“Everything naman dapat special,” paliwanag ni Xian Lim sa ginawa niyang invitation para maging ka-date si Kim Chiu sa ginanap na Star Magic Ball ngayong taon.

Ilang araw bago ang event, naging viral ang larawan ni Xian, na may hawak na bouquet of flowers at sa tabi niya ay dalawang lalaki na may hawak na placard na may mensaheng “Will you be my date?”

Ang larawang ito ay ibinahagi ni Kim sa kanyang followers sa Instagram at may caption pa na, “Never fails to surprise….hihi salamat!”

Read: Xian Lim asks Kim Chiu: “Will You Be My Date?

               

Dahil dito, tinanong si Xian kung siya na ang susunod kay Enchong Dee, na umamin kamakailan na may girlfriend na.

Read: Enchong Dee confirms relationship with model Samantha Lewis

“Well, right now we’re just gonna focus on the movie.

“In perfect time, if ever, ipapaalam ko po agad sa inyo. I want it to be special,” sagot ni Xian sa maiksing panayam sa kanya ng entertainment reporters sa ginanap na “Thank You Day” ng Robinsons Supermarket sa Robinsons Metro East sa Pasig City, kahapon, September 12.

Gayunman, hindi itinanggi ni Xian na, “Alam naman ni Kim na may gusto ako sa kanya.

“Alam naman ni Kim na crush na crush ko siya.

“I’m just here, I’m happy that she’s happy.”

THIRD MOVIE WITH KIM. Samantala, masayang ibinalita ng Kapamilya actor na nasa ika-13 shooting day na sila ni Kim para sa ikatlong pelikulang pagsasamahan nila.

“Sa lahat ng naghihintay, finally, we’re showing in a couple of months. Hopefully, in two months mapalabas na siya.

“Well, for this one, for sure ginagawa po namin ang lahat ng the best we can.